Ang Google Play Books ay ang tanging app na kailangan mo para bumili at mag-enjoy ng mga ebook, audiobook, comics, at manga.
Pumili sa milyon-milyong pinakamabentang ebook, comics, manga, textbook, at audiobook. I-download ang iyong aklat para mabasa o mapakinggan ito nang on the go. Kapag tapos ka na, hanapin ang susunod mong magiging paborito mula sa mga rekomendasyong naka-personalize para lang sa iyo. Bumili ng mga audiobook at ebook kahit kailan - hindi kailangan ng subscription.
Pumili sa milyon-milyong sikat na ebook, audiobook, at comics
* Bumili ng mga ebook at audiobook kahit kailan - hindi kailangan ng subscription.
* Mag-preview ng mga sample bago ka bumili.
* Makakuha ng mga dagdag na diskwento sa mga piling bundle.
* Makatanggap ng mga email o notification tungkol sa mga bagong release mula sa mga paborito mong may-akda at kapag nag-sale ang mga nailagay mong aklat sa wishlist.
* Makakuha ng Google Play Points sa bawat pagbili, pagkatapos ay ipapalit ang mga ito para sa credit sa Google Play.
* Makatanggap ng mga notification o email para sa mga pagbaba ng presyo sa iyong mga sample at mga bagong release mula sa mga paborito mong may-akda at serye.
* Tumuklas ng mga bagong release, pinakamabenta, at naka-personalize na rekomendasyon sa lahat ng genre gaya ng romance, science fiction, mystery at thriller, self-help, religion, nonfiction, at marami pang iba.
Pinakamagandang karanasan sa pagbabasa at pakikinig.
* Magbasa o makinig sa Android, iOS, o sa iyong web browser, kahit na offline ka.
* Makabalik kung saan ka huminto sa alinmang device.
* I-customize ang iyong karanasan sa pagbabasa. Isaayos ang laki ng text, uri ng font, mga margin, alignment ng text, liwanag, at mga kulay ng background.
* Subaybayan ang iyong pag-usad sa pagbabasa. Makita kung ilang porsyento na ang iyong nabasa at ilan pang pahina ang natitira.
* Ayusin ang iyong library sa mga shelf. Gamitin ang bagong tab na mga shelf para i-curate ang iyong library ayon sa tema o genre. Tingnan ang iyong mga shelf sa Android, iOS, at sa web.
* I-save sa SD card. Piliing i-save ang iyong mga aklat sa device o sa isang SD card, para hindi ka maubusan ng espasyo.
* Gamitin ang mga tool sa pagbabasa sa mga aklat na pambata para makakuha ng mga pambatang kahulugan ng salita, makinig sa mga partikular na salita, o pakinggan ang aklat na binabasa nang malakas.
* Gamitin ang Bubble Zoom para sa mas madaling pagbabasa ng comics sa isang mobile device. I-tap ang pahina at makita kung paano magkaroon ng buhay ang paborito mong comics o manga.
* Magsulat ng mga tala na nagsi-sync sa iyong Google Drive at ibahagi ang mga ito sa isang grupo para sa madaling collaboration.
* Maghanap ng mga kahulugan, makakuha ng mga pagsasalin, mag-save ng mga highlight, at i-bookmark ang mga paborito mong pahina habang nagbabasa ka.
* I-on ang Night Light para awtomatikong isaayos ang kulay at liwanag ng background o itakda ang app na gamitin ang liwanag ng OS.
Na-update noong
Dis 16, 2024