Ang Google Duo ay ang app sa pakikipag-video call na may pinakamataas na kalidad*. Simple, maaasahan, at gumagana ito sa lahat ng Android at iOS phone at tablet, smart device, at sa web.
Mga Feature:
Tumawag sa pagitan ng Android at iOS
Telepono, tablet, o web man ang gamit mo, puwede kang makipag-ugnayan gamit ang Duo. Puwede ka ring magbahagi ng mga panggrupong tawag at sumali sa mga ito gamit ang isang link lang.
Panggrupong tawag na may hanggang 32 tao
Tipunin ang lahat ng taong mahalaga sa iyo, kahit na magkakalayo kayo, sa pamamagitan ng panggrupong tawag. 32 tao na ang sinusuportahan ng Duo sa mga panggrupong video call.
Tipunin ang lahat gamit ang Family Mode**
Mag-doodle sa mga video call at sorpresahin ang mga mahal sa buhay gamit ang mga nakakatuwang mask at effect na magta-transform sa iyo at gagawin kang astronaut, pusa, at higit pa.
I-capture ang mga espesyal na sandali
Kunan ng larawan ang iyong mga video call para ma-capture ang anumang sandali at awtomatiko itong ibahagi sa lahat ng nasa tawag.
Magpadala ng mga video at voice message, larawan, at higit pa
Kulang ang oras o hindi sumasagot ang mga kaibigan mo? Mag-iwan ng naka-personalize na video message na may mga nakakatuwang effect, o magbahagi ng mga voice message, larawan, tala, at emoji.
Low Light Mode
Sa Duo, makakapag-video call ka kahit madilim.
Pakikipag-voice call
Tumawag sa iyong mga kaibigan nang boses lang ang gamit kapag hindi ka puwedeng makipag-chat sa video.
*Batay sa teknikal na pag-aaral ng Signals Research Group na naghahambing sa tagal bago ma-degrade ang isang video sa 3G, LTE, at WiFi.
**Kinakailangang mag-sign in sa isang Google account.
***Posibleng may mga mailapat na singil sa data. Makipag-ugnayan sa iyong carrier para sa mga detalye.
****Posibleng mag-iba ang availability ng partikular na feature batay sa mga detalye ng device.
Na-update noong
Ene 16, 2025