Ang Google Messages ay ang opisyal na Google app para sa pagmemensahe. Binabago ng Google Messages kung paano kumokonekta ang isang bilyong user at pinapagana ito ng Rich Communication Services (RCS), ang pamantayan sa industriya para sa pag-text na pumapalit sa SMS at MMS. Sa RCS, puwede kang mag-share ng mga larawan at video na may mataas na resolution, mag-enjoy sa mga dynamic na panggrupong chat, at seamless na kumonekta sa iba pang user ng RCS kabilang ang iyong mga kaibigan sa iPhone.
• Rich Communication: Mag-share ng mga larawan at video na may mataas na kalidad, makita kapag nagta-type ang mga kaibigan, at mag-enjoy sa mga dynamic na panggrupong chat na seamless na ngayong kinabibilangan ng iyong mga kaibigan sa iPhone.
• Personal Touch: Gawing parang sa iyo talaga ang mga pag-uusap gamit ang mga feature tulad ng mga custom na kulay ng chat bubble o mga nakakatuwang selfie gif.
• Mahalaga ang Privacy: Huwag mag-alala dahil alam mong protektado ng end-to-end na pag-encrypt ang iyong mga personal na chat sa pagitan ng mga user ng Google Messages, kaya walang kahit na sino (pati na Google at mga third party) ang makakabasa o makakatingin sa iyong mga mensahe at attachment maliban sa taong kausap mo. Bukod pa rito, mag-enjoy sa advanced na proteksyon sa spam.
• AI-Powered na Pagmemensahe: Gawin ang perpektong mensahe gamit ang mga suhestyon ng Magic Compose at mga pinakabago naming feature ng AI.
• Seamless sa Iba't Ibang Device: Magsimula ng chat sa iyong telepono at ipagpatuloy ito nang walang kahirap-hirap sa tablet o computer mo. Available din sa Wear OS ang app.
Hindi lang pagmemensahe ang Google Messages; isa itong mas mahusay, ligtas, at malikhaing paraan para kumonekta.
Available din sa Wear OS ang app. Nag-iiba depende sa rehiyon at carrier ang availability ng RCS at posibleng kailangang may data plan. Nag-iiba depende sa market at device ang availability ng mga feature at posibleng kailangang mag-sign up para sa beta testing.
Na-update noong
Dis 17, 2024