Ngayon mo lang mararanasan ang ganito ka-intense na warfare sa "War Sniper," ang ultimate war game. Sumabak sa maaksyong battlefield kung saan pwede kang mamili sa sniper, tank, at drone bilang armas.
Ang "War Sniper" ay kapana-panabik at makatotohanang war combat game na may pasabog na campaign mode na maaaring laruin offline at real-time na multiplayer PvP combat mode. Handa ka na ba sa labanan at ipanalo ang iyong squad?
Mahahalagang Feature:
• Sniper Showdown: Maging matinik na sniper sa battlefield at pabagsakin ang mga enemy target nang walang daplis. Tumira sa mga tagong vantage point nang makatipid sa bala.
• Tank Warfare: Maging command ng mga mapaminsalang tank at maghasik sa battlefield. Tawirin ang mga kampo ng kalaban at ibandera sa warzone ang bigating firepower.
• Maaangas na Drone: Magpalipad ng iba't ibang drone na may natatanging arsenal ng mga sandata. I-upgrade ang iyong mga drone para higit na maging kawasak-wasak at sapul sa bawat tira. Puntiryahin ang mga kalaban habang pinakakawalan ang mga bala at missile.
• Realistic na Campaign Battlefields: Maranasan nang 3D ang init ng labanan at intensity ng makabagong warfare. Mula urban warfare hanggang desert landscapes, may kanya-kanyang hamon sa bawat map.
• Competitive PvP: Pataasin ang rank at magpakitang-gilas sa mga intense na PvP battle. Makakuha ng mga reward at prestige kapag naging tanyag na war hero.
• Rank Up: Pataasin ang rank at makakuha ng mga reward habang nakikipagtagisan sa battlefield.
• Kamangha-manghang Graphics: Damhin ang tindi ng pakikidigma na hatid ng astig na visuals, makatotohanang sound effects, at immersive gameplay.
• Humanda na sa labanan, commander! Nag-aabang ang battlefield, at tanging malulupit na sniper, tank commander, at drone operator ang magwawagi. I-download na ang "War Sniper" at alamin ang tunay na makabagong warfare!
Na-update noong
Nob 29, 2024